Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2024

O, sinta ko

Imahe
O, SINTA KO sa nag-iisa kong mutya ng pag-ibig, puso't diwa kitang dalawa'y sumumpa magsasamang walang hangga anong aking ihahandog kung walang yamang niluhog kundi katapatan, irog hanggang araw ko'y lumubog - gregoriovbituinjr. 07.10.2024

Tipanan

Imahe
TIPANAN deyt namin ni misis dahil anib ng aming kasal, muling nagsanib ang aming pusong talagang tigib ng pagmamahal sa isang liblib na milktea-han sa pusod ng lungsod sa tambayang wala namang bakod animo puso ko'y hinahagod sa deyt na itong nakalulugod ako ang taya sa Buy 1 Take 1 na milk tea kahit mumurahin man ang halaga nitong pinagbilhan kami'y napuno ng kagalakan ito'y anibersaryong kaysaya na sentro'y pag-ibig at pag-asa - gregoriovbituinjr. 07.07.2024

Sa anibersaryo ng kasal at ng Katipunan

Imahe
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa Nasugbu, sa Batangas na lalawigan na isinabay sa pagkatatag ng Katipunan una naming kasal ay mass wedding sa Tanay, Rizal kung saan limampu't siyam na pares ang kinasal habang ikalawa'y sa tribung Igorot na ritwal sa Nasugbu rin, sa bisperas ng ikatlong kasal isa pang kasal na balak ay kasal sa Kartilya ng Katipunan, na sa kasalan ang plano pala ay mass wedding ng nagsasabuhay na ng Kartilya ito'y pangarap na dapat paghandaan talaga nawa'y magpatuloy ang pagsasama't pagniniig nitong dalawang pusong pinatibay ng pag-ibig sa ngalan ng Kartilya ng Katipunan, titindig kaming maging malaya't sa dayo'y di palulupig - gregoriovbituinjr. 07.07.2024 * litrato mula sa mass wedding sa Tanay, Rizal, 02.14.2018

Ang labandero

Imahe
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala nang Ajax ngayon kaya tungkulin ko't layon labhan ang suot kahapon kukusutin ko ang kwelyo ang kilikili't pundiyo palo-palo pa'y gamit ko nang malinisang totoo mga suot kong pangrali damit din ng estudyante at ng asawang kaybuti ay lalabhan kong maigi ako'y isang labandero eh, ano, lalaki ako tulong na sa pamilya ko lahat ng gawaing ito nang walang tambak na damit na suot paulit-ulit labhan upang may magamit sa pupuntahang malimit - gregoriovbituinjr. 07.01.2024