Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2024

Pamanhik

Imahe
PAMANHIK anibersaryo ng pamamanhikan ang Fil-Am War, kaysarap pag-isipan na dalawang puso'y nasa pagitan ng kawalang digma't kapayapaan gerang Pilipino-Amerikano nang mamanhikan, Pebrero a-kwatro civil wedding nama'y sumunod dito Pebrero Katorse nang gawin ito unang kasal sa tribu ang sinundan ikatlo'y church weddding, makasaysayan na sadyang aming itinaon naman sa anibersaryo ng Katipunan sunod, pangalawang kasal sa tribu na nataon lang na anibersaryo ng isang grupong rebolusyonaryo na di ko na papangalanan dito anupa't ang petsa ng pamanhikan at kasal ay pawang makasaysayan dalawang puso'y nagkaunawaan na patuloy silang mag-iibigan isa pang plano'y kasal sa Kartilya ng Katipunan, kumbaga'y panglima sa mga dinaanang seremonya ngunit ito'y plano pa lang, wala pa - gregoriovbituinjr. 02.04.2024