Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2019

Ipaglalaba na kita, O aking mahal

Imahe
IPAGLALABA NA KITA, O AKING MAHAL ipaglalaba na kita, O aking mahal ng iyong mga damit, blusa, bra't salawal mga pantalon, short, kumot, punda't balabal gagawin agad matapos kong mag-almusal handa ako sa labanan at sa labahan doon sa poso, sa kubeta, o ilog man kukusuting maigi, hanggang magbulaan ipaglalaba kita't di ito bolahan unang gagawin, maghiwalay agad tayo ng labadang dekolor sa puting baro mo sasabunin, kukusutin, ikukula ko at pagkatapos ay babanlawan na ito ipaglalaba na kita hanggang tagumpay at patutuyuin ko ang mga sinampay - gregbituinjr.