Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2018

Kahit ako'y takusa

K ahit na ako'y TAKUSA, o Takot sa Asawa A t laging tagaluto, tagalinis, tagalaba H indi ako nagbibisyo't tinataguyod sila I to naman ay laging may akibat na pagsinta T apat sa asawa't di ito isang pagdurusa. A ktibista akong sa prinsipyo'y sadyang matapat K ahit nag-asawa na't naging takusa'y maingat O rganisado sa mga gawaing nararapat Y inayari ang misyon nang di akalaing sukat T ungkulin ay tinutupad gaano man kabigat. A ko ma'y takusa, responsableng asawa ako K umikilos ng maayos at nagpapakatao U pang kapwa itaguyod ang pamilya't prinsipyo S inusunod ang asawa pagkat pagsinta ito A ko'y takusa man, nakikibaka ring totoo. - gregbituinjr. * tulang akrostika, ang pamagat ay ang simula ng titik ng bawat taludtod * ito'y tulang kasama sa inihahanda kong libro na ang pamagat ay "AKLAT NG TAKUSA"